Wednesday, March 23, 2005

Skin Whitening Ad

Filipino 30

2nd Sem 2004-2005

Ang Produktong “Bio Link”bilang Repleksiyon ng

Pilipinas sa isang Globalized na mundo.

Sa pagdaloy ng panahon, ang kagandahan ay naging instrumento ng pagka-angat sa isang lipunan. Bawat kultura at sibilisasyon ay may mga lebel o pamantayan sa pagtingin sa nakakabulag na katangiang ito. Iba-ibang perspektibo ang maaring gamitin sa paghusga nito na nasabi na ngang maaring magkakaiba sa bawat lipunang nabuo ng panahon. Dahil ito ay isang tanda ng mas mataas na antas sa isang lipunan, ang kagandahan ay isang malaking responsibilidad na gawain ng isang tao maging lalaki man o babae. Ngayong dumating ang panahong ito na kung saan ay halos lahat ng bagay ay maaring ipakalat na sa buong mundo o kitang-kita na ang pagka-globalized ng bawat bansa. Hindi pa rin maitatago ang mas mataas na antas na naiibibigay ng kagandahan sa isang mundo mas uso ang patriyarkal na pamamahala. Ngunit sa pagkakataong ito, naging malawak ang sakop ng sinasabi nating lipunan na maaring pagmulan ng perspektibong gagamitin sa pag-husga nito.

Isa sa mga madaling makitang pamantayan ng kagandahan ayon sa ating mga nararanasan sa ating lipunang ginagalawan sa ngayon ay ang kaputian. Mas madali tayong maakit ng mga taong mas maputi at kung hindi man ay mas nakukuha nila ang atensyon ng mas marami. Dahil dito ay nauuso ang mga produktong pampaputi na maari ng makita sa ibat-ibang “phases”. Maari silang lotion, sabon, o mga pampahid na likido sa mukha. Kahit sa mga sabong panlaba ay ginagawan din ng paraan para ipakita ang pagkahilig natin, lalo na tayong mga bansang normal na ipinanganak na may mas madilim na kutis, sa maputing balat.

Nais kong bigyang diin ang komersyal na pampaputing “Bio Link”. Marahil ay marami ng mga manonod ang nakakita man lang kahit minsan ng mga patalastas na nageendorso nito. Ang unang komersyal na binigay para dito ay ang pag-kakaroon ng mag-asawa ng bagong anak. Ang tagpo ay sa isang ospital na kung saan, ang makikita lang ay ang mag-asawa na sabik na sabik sa bagong kapamilya. Ngunit mapapansin ang pagkabalisa ng lalake ng makitang maitim ang sanggol na ipinanganak. Maaring makita sa ekspresyon ng lalake na pandidiri ang nadarama at hindi pagtataka. Kinalaunan ay ipinakita ang “Bio Linkproduct at pagkatapos noon ay naging masaya na rin ang lalake sa kinalabasan. Sa isang normal na Pilipinong pamilya, kapag-may isang dumating na sanggol, ang lola, lolo, mga kapatid ay hindi mawawala. Marahil ay hindi muna ipinakita sa commercial ang kapamilya ng babae para maitago ang tunay niyang kulay sa mga manonood. Naging sikat kaagad and komersyal na iyon kahit pagkalipas lang ng ilang araw ng pagpapalabas. Bago pa lang ang produkto ngunit ang popularidad ay kitang-kita at damang-dama. Nilagay sa ibat-ibang laki(sizes) para ipakita sa mga Pinoy ang pagka-Pinoy, ang kultura ng tingi-tingi.

Nasundan ang nasabing komersyal ng bago na naayon sa pagkakasunod ng kwento. Ang sanggol ay bibinyagan na bilang bagong Kristiyano. Ang pari ay nagtataka sa pagkakita sa batang maitim samantalang ang mga magulang ay kapwa maputi. Tiningnan ang mga kapamilya at nalamang, lahi pala ng maiitim galing ang babae. Nagtingin-tingin sa paligid at nakita ang pigura ng isang santo na kahalintulad din ng porma ng ilang santo maliban sa mala-tsokolateng kulay nito. Kung susuriin ang santo, ang hugis ng mukha ay kagaya rin ng iba na may pagka-makanluranin. Naging maayos na rin ang tingin ng mala-mestisong pari na malaman na may santong ganon din ang kulay sa sanggol.

Ang dalawang komesyal ng “Bio Link” ay talagang nakapagpaigting sa mga manonood at maraming nahikayat na bumili. Kung pagbibigyang oras at pansin, Madaling mapuna na “exagerrated” ang pinakitang mga tagpo, samantalang kung babasahin mo ang nakasulat mismo sa produkto, ang ginagawa lang ng produkto ay alisin ang mga patay na balat at ilabas ang mas mga bago. Ngunit kung iisipin, talaga bang magiging epektibo ito upang tuluyang alisin ang kaitiman ng balat sa isang tao, o iyong mga mapuputi na talaga ang mas maapektuhan nito. Marahil ay isang stratehiya ito ng mga kapitalista para pagkakitaan ang mga masa. May mga nababilitang istatistika na ang mga Pilipino kapag nasa ilalim ng krisis at paghihirap ay tumataas ang market ng mga beauty products tulad ng pampaputi. Marahil ay ito na lamang ang isang paraan ng masa na itaas ang kanilang paniniwalang antas sa lipunan kahit nalulugmok na sila sa sobra-sobrang kahirapan.

Hindi kaila na ang telebisyon ay isang uri ng medya na may malakas na impluwensiya sa bawat isa. Una dahil ito ay madali ng makuha ng isang normal na pamilyang Pilipino dahil sa pamurang-pamurang presyo ng telebisyon. Ang medyang ito ay mas nakakaakit dahil ang lahat ay maaring makita ng mata na lumalabas na mas kapanipaniwala kung ikukumpara sa radyo lang na ang mapapadaanan lang ng impormasyon ay ang mga tenga. Ang komersyal na “Bio Link” ay pinasikat ng telebisyon kasabay din ng mag-asawa na kung pagmamasdan ay mukhang hindi naman tipikal na mukha ng isang Pinoy at isang Pinay. Marahil ay naitanim na sa isip nating mga Pilipino na ang mapuputi ay laging nakaka-anagat kahit marami tayong mga binabanggit o pinapakilalalang mga “black beauty” sa buhay artista. Para bang napakahirap makakaita ng magagandang babae na ang kulay ay madilim o kulay tsokolate. Naging parte na ng buhay ng maraming mga Pilipino ang “showbiz “ at hindi na tayo nahuhuli sa mga balitang bagong sikat na komersyal. Sa sinulat ni Nicanor G. Tiongson sa kanyang Four Values in Filipino Drama and Film, ang kauna-unahan niyang binagggit na katangian o paniwala ng mga Pilipino sa isang palabas o pelikula, ay “Maganda ang Maputi”. Sinabi niya na ang paniniwalang ito ay isa sa mga pinaka-nakakatawa ngunit mapanirang ekspresyon ng ating “colonial mentality”. Gumagastos tayo ng malaki para maisakatuparan sa sarili natin ang ating pagtingin sa kagandahan na naitatak sa atin ng ating mga mananakop.

Laging pinipiling bida ay iyong magaganda at sino ba ang mga karaniwang magaganda, kung hindi iyong mga mapuputi. Marahil ay sasabihin ng marami na may mga lumabas din namang mga bidang hindi gaanong maputi ngunit hindi talaga natin maipagkakaila ang atensyon na nakukuha ng mas mapuputing artista kung ikukumpara sa mas maiitim. Karaniwang linya ng mga lalaking manyakis sa mga pelikulang Pilipino, “Wow pare, ang puti ng legs, tiba-tiba tayo”. Alam kong sanay na tayo sa mga ganitong linya lalo na sa mga aksyon na palabas na kung madalas ay mga seksi star ang mga ginagawang leading lady ng action star ayon na rin sa “Paniniwala, Pananampalataya at Paninindigan sa Pelikulang Bakbakan” ni Prospero Covar. Sinabi ko na nga kung sino ang seksi, sinong maganda kundi ang mga mapuputi na parang labanos ang kutis katulad ni Rossana Roces. Sila ang mga babaeng parang hindi makabasag ng pinggan ngunit kapag naiipasok sa labanan ay natututong makipag-away. Isang pagpapakita ng lakas ng kagandahan sa kabila ng kahinaan. Nagiging instrumento ang kagandahan para silawin ang kalaban na isang nakakatuwang mahika ng pelikula na talagang tumitimo sa isipan ng mga Pilipino. Sa lahat ng oras, panahon natin sa ating pang-araw-araw na normal na pamumuhay ay lagi tayong nilalason ng ganitong paniniwala. Lagi tayong nagpapauto sa mga paniniwala na itinanim sa atin bilang mga konsyumer ng produkta nila.

Sa ilang daang taon na nasakop ang bansa natin sa ilalim ng ibat-ibang mas malalakas na bansa. Mas marami ang porsyento ng panahon na iyon ay sa ilalim ng mga kanluranin na may natural na maputing balat. Inilatag nila sa atin ang relihiyon, pinakilala sa atin ang Diyos, at ang mga anghel. Itinanim sa ating kaisipan ang larawan ng mga anghel at Diyos na mapuputi na parang araw sa silaw na naiibigay sa ating mga mata. Nagkaroon ng tunggalian ng mabuti at masama, ng mga itim (kadiliman) at puti (liwanag). Hindi man direktang naipapakita ay tumatanim sa ating mga isipan ang konotasyon ng mga kulay na ito bilang maganda at masama, kakampi at kalaban at iba pa. Hindi man natin sabihin, mas maraming kultura ang nagbibigay ng mas magandang kahulugan sa kulay na puti kaysa sa kulay na itim kaya napakadaling maitanim sa isip ng mga nasaasakupang lupa ng mga kanluranin na mas maganda at kaakit-akit sila dahil mismomg ang kultura ng mga kolonya ay may mas mataas na pagtingin sa kulay ng kanilang mananakop.

Sa pangalawang komersyal na “Bio Link”, ipinakita ang kaayusan ng mga suot ng mga kaanak ng maputi kasama narin ang mga kilos para ipakita naman ang oposisyon sa pamilya ng maitim. Hindi man sinasadya nating mga Pilipino, naging dominanate na sa ating sarili ang pagtingin na tulad ng pagtingin sa atin ng mga sumakop sa atin noon. Natutunan nating tanggapin ang ganong diskurso bagamat minsan ay tayo tayo ang humuhusga sa sarili natin. O, talagang, tayo na mismo ang gustong humusga sa mga sarili natin. Tayong mga nasanay sa kaapihan ay pinalalabas ang pang-aapi sa kapwa.

Sa pagdaan ng panahon, naging malaking binary opposition para sa atin ang kulay na itim at puti. Kung itinanaong ang kabaliktaan ng puti ay siguradong itim. Kung itinanong ang kabaliktaran ng itim, siguradong puti. Tayo na mismosa paniniwalang ito upang ang nagdudulot ng modipikasyon sabihing may sarili tayong identidaday imitasyon na binaligtad, para bang pagkuha sa negative ng isang film. Isang nakakatuwang halimbawa ay ang pagsusuot ng puti kapag namatayan at samanatalang ang ginagawa naman talaga natin samantalang sa ibang bansa ay purong itim ang suot. Ang mga pari natin sa Pilipinas ay madalas nakaputi samantalang sa ibang bansa ay madalas nakaitim Ang mga puti ay “nagtatanning” samantalang tayong mga Pinoy naay nagpapaputi. Kung susuriin, hindi lang kaya tayong mga Pilipino na mas maitim ang kutis maiitim ang may katawa-tawang paniniwala sa kahulugan ng kagandahan.

Nasa panahon na nga tayo na ang mundo ay parang isang napakaliit na komunidad dahil saat transportasyon. Napakadaling maki-salamuha saat ibang mas maliit na pamayanan. Katulad sa internet, ang isang produktong ineendorso pag-unlad ng teknolohiya, komunikasyon ibang kultura sa isang bansa ay maaring makita mula sa kabilang gilid ng mundo. Nagkakaroon ng halo-halong kultura dahil na rin sa napaka-globalized na daloy ng impormasyon. Ang lahat aypara sa lahat kahit hindi na nakikta ang tunay na target ng isang impormasyon. Nawawalan nana pamayanan ng sariling identidad at nasapawan ng mas malalakas magpakalat ng ideolohiya at impormasyon. Malamang, ang mga orihinal sila yung mga bansang malalakas atsa isang tahimik na kolonyalismo o re-kolonyalismo. Hindi natin maikakaila na naiibabawan ang ating pag-iisip ng mga ibang bansa kahit hindi tugma sa sarili nating kultura. Kahit na sinsabing nakalaya na tayo ay hindi natin maiwanan ang “pagka-attach” sa mga sumakop sa atin. Kung hindi ako nagkakamali, ito ay nagpapakita ng imperyalistang globalisasyon ayon sa akda ni Rolando B. Tolentino na Kulturang Popular, Globalisasyon atGawain. Pangkulturang mayayaman. Pumapasok tayo

Ganyan na ang panahon ngayon, ngunit, katulad ng lumang panahon, nagagamit pa rin tayo. Sino ba ang namamahala ng mga produktong pampaputi? Sino ba ang nagsasabi na maganda ang mapuputi.? Bakit ba kailangang gayahin natin sila samantalang gustong-gusto naman nila ang mga bagay na nasa atin at sa tagal ng panahon ay makukuha na nila ang lahat-lahat sa atin? Gusto natin ang Amerika at ang mga lugar doon na mismong ayaw nating pansinin ang atin nana mas maganda. hamak

Globalized na nga ang impormasyon, globalized na rin ang kultura at sa pagtagal ay unti-unting lalamunin ng isang dominanateng kultura ang ilang maliliit na kultura. Balang araw aydominanteng kulturang ito ang iba haggang sa maging transparent atna mas komportable kapag nakakulong kaysa nasa labas ng rehas. Isang napakagandang target ng tuluyang pagkawala ng identidad ay tayong mga Pilipino na talagang pinipilit gamitan ng “whitening cream, lotion, facialcleanser”, hindi lang ang ating kutis ngunit ganoon din ang ating pananalita, pag-iisip at pagtingin sa mga sari-sarili natin. Maraming nangarap na mapasama tayo sa Amerika kahit paulit-ulit nadoon. Nag-iisip tayong parang Amerikano na parangmismo sila ng walang kritisismo at pag-oobserba ng mga natatanggap na impormasyon. unti-unting babaguhin ng tuluyanm mabura. Mahirap talagang palayain ang isang bayan nasasabi ang kahirapan ng buhay ng Pinoy tayo Pilit nating dinidikit ang mga sarili natin sa iba na iniisp nating mga kauri kahit alam naman natin nanoon. Pilit natin inaalis ang mga dumi sa ating mga balat, pilit nating binubura ang maaitim na kulay, pilit nating isinasabay ang ating sarili, ngunit ang nangyayari ayat lalo silang nagagamit tayo at sa kalaunan ay maging laging nakadepende tayo sa kanila kahit hindi na sa konsepto ng kagadahan. kay hirap mangyari lalo tayong naiiwan

Nakakadiri man o nakakalugmok ay totoong totoo ito. Maraming tinitingnan ang kapwa Pilipinomas mababang uri kahit paulit-ulit sinasabing makabansa, nandidiri na maari nating sabihin na ganon din ang tingin niya sa sarili niya. Mayroon bang katawagan sa ganong pagtingin, na kabaligtaran ngunit kasing kahulugan ng Narsismo? Sa simpleng paggamit ng Bio Link aysa bawat isa sa atin. bilang napapatunayan iyan

Ang magandang halimbawa ng pang-iibabaw ng mapuputi sa maiitim ay ang pagkakaroon ng mga alilang Africano. Tinuturing sila ng mapuputing kanluranin sa ganoong pagtingin sa dahil salugar na tinitirahan, sa kanilang pamumuhay at sa kulay nila ng kagaya ng ibang hayop sa gubat. Mababa ang pagtingin ng mga kakanluranin ngunit kailanagan nilang makuha ang mga yaman na maari nilang masamsam sa kanila kaya naisipan nilang gamitin sila bilang instrumento ng pagpakita ng kabutihan sa pamamagitan ng pagsasabihang babaguhin sila. Bibihisan ang mga Africano para gawing daw na edukado, at sibilisado. kanilang

Nagkaroon ng hatian ang “dugo sa Amerika” Ayon sa artikulong “Bruce: The New Man”ni Henry Clay Bruce, ang mga mga alila ay may sariling pag-uuri sa kanila. Katulad ng mga puti na nagmamay-ari sa kanila ay may dibisyon din sila sa kanilang mga sari-sarili. Ang mga nakakataas na uri ay yung mga alilang pipiliin pa ang kamatayan sa halip na makagawa ng kahihiyan sa dignidad sa kanyang amo. Sila yung mga naniniwala at may konbiskyon na ibigay ang lahat ng kanilang serbisyo sa pagpapatotoo na ang pinakamatalinong paraan ay gawin ang kanilang pinakamagagawa, at maitutulong sa kabila ng kanilang sadlak sa kahirapang kabuhayan. Ang isang namang uri na tinatawag nilang mga Negro ay yaong mga tamad atna bulaan at manloloko sa mga kapwa nila alipin katulad ng sa kanilang sarili. Wala silang dignidad, walang pagtingin sa responsibilidad at walang pagtangkilik sa domestikadong mga gawi. Dahil ang mga alipin ay nakakkita ng uri ng mas mababa sa kanila ay nagiging kuntento na sila sa kanilang katayuan bilang alila ng mga puti. Natutuo silang tingnan ng massa kanila ang mga kasama nilang hindi kumikilos ng maayos sa kanilang amo. masasama mababa

Kung susuriin ay ganito rin tayong mga Pilipino, para isipin nating mas nakaka-angat tayo sa ibaay hinahati mismo natin ang mga sarili natin sa mga uri na inperyor at superyor. Pinapataw natin sa ating kapwa ang mga ipinataw sa atin ng mga mananakop. Nagkakaroon tayo ng dibisyon upang isipin na tayo ay nakaka-angat sa iba. Dahil dito ay nagiging kuntento tayo nasa mga patakarang kanluranin kahit tayo ay nagagmit lang nila para sa kanilang mga sari-sariling adhikin. sumusunod

Talagang mahirap ng mabura ang ganitong pananaw sa ating mga kaisipan. Ang opresyon ayat ipinapasa-pasa sa mas papaliit nagdudulot ng opresyon na papaliit na pag-uuri hanggang sasa indibidwal na lebel. Para bang isang mikrobyo na pakakalat ng pakalat hanggang sa hindi na masugpo ang ganitong sakit ng lipunan lalo na ngayon na ang lahat ay pangbuong mundo na. maka–abot Kwento ng Amerika, kwento rin sa Pilipinas. Problema ng Amerika, problema din ng Pilipinas, giyera ng Amerika, giyera din ng Pilipinas. Kulay ng Amerikano, kulay din dapat ng Pilipino, istilo ng pamumuhay ng Amerikano ay ganon din dapat sa atin. Ngunit kung pagbibigyang pansin ang kabilang direksiyon ng ugnayan ng dalawa. Totoo pa kaya ang lahat. Problema ng Pilipino, problema ba ng Amerikano, kahirapan ba sa Pilipinas kahirapan din ba ng mga Amerikano.

Tayo ang konsyumer at tayo din lang ang nagamit. Tayo ay mas mababang uri kaya dapat ay itaas natin ang ating antas sa lipunan. Tayo ay mga kawawa kaya dapat ay humingi tayo ng kababaang loob sa ating mga Diyos na kailangang puriin at sabihing katulad nila tayo. Ngunit sa kabilang banda ng ating paghahangad ng pagbabago sa sarili ay hindi lang maputing kutis ang ating nakukuha kundi ang opresyon, ang pagpapataw sa iba ng sumpa mula sa sumpa sa ating sarili ng mga mananakop. Para bang isang horror na movie na ang dahilan ay isang banta ng kamatayan kapag hindi naipasa ang sumpa. Para bang mga text na dapat ipadala sa iba para maipasa rin ang kamalasan. Malayo na ang ating narating sa usapang ito. Ngunit sa kabila ng mga dayalogo ay nandiyan parin ang simpleng “Bio Link” na isang tropi ng ating pagiging alila. Isang simbulo na hindi agad-agad mapagbibigyang pansin ngunit sumasalamin sa ating mga sumpa na naipataw sa bawat isa sa atin.

Sanggunian

Media Studies 11: reading Media, College of Arts and Communication, University of the Philippines Baguio.

Microsoft Encarta Encyclopedia © 2004.

Wkipidedia.com


This page is powered by Blogger. Isn't yours?