Sunday, April 03, 2005
REALITY bitES - Filipino 30
Nais bigyang diin ng papel na ito ang pagiging sikat ngayon ng mga “reality based” na series na inaabang-abangan ng maraming mamayan sa kanilang mga telebisyon. Mga reality series na maaaring local o international. Ang kakaibang genre na ito ay hindi lang sikat sa Amerika, kundi pati na sa mga bansa sa Asya, Europa atbp. Nakaabot dito sa Pilipinas katulad ng Extra-Challenge na dating Extra-extra. Dumating ang mga panahon na halos lahat ng soap opera, comedy series, variety shows sa mga estasyon ay nagbibigay ng ilang oras o episode para lang sa ilang reality based challenges. Nais nilang ipakita ang kanilang mga paghihirap bilang artista upang pakalmahin ang mga manonood na ang kanilang buhay ay ganon din na na nangangailangan ng mga pagsubok.
Halos lahat ng uso dating palabas ay nagevolve mula sa isang simpleng indoor na entertainment patungo sa labas ng studio. Halimbawa, narevolutionize ang mga magic patungo sa mga street magics na mas sinasabing mas totoo kahit hindi naman talaga totoo ang ilan. Ag mga quiz shows na ngayon ay sinasamahan na rin ng paglilibot-libot sa mga lugar habang hinahanap ang mga clue. Sinasama ang mga eksenang nahihirapan at naiiyak at madalas ngayon ay nilalabas na rin ang galit at pagmumura sa harap ng kamera. Ngunit gustong bigyang pansin nito ang pinagsumalan at naging hudyat ng bagong uring ito, ang “Survivor”.
Nagsimula ang rebolusyon at mga reality shows sa pagpasok ng unang “Survivor” na unang dumating noong 2000, isang taon bago nangyari ang trahedya sa Amerika. Ngunit dahil, sa simulaing ito ay naging tila kadugsong ng series na ito ang pag-atake sa New York at giyera sa Iraq. Pumasok ang mga Amerikano kasama ang mga koalisasyon sa ibang lupain para ipakita ang kanilang pagiging bansang kayang mabuhay sa ibat-ibang kapaligiran. Isang kapaligiran na remote o malayo sa kabihasnan upang ipakita at idiin ang kanilang malaking abante sa usapin ng teknolohiya. Naipapakita ang kanilang lakas kahit wala sa sarili nilang teritoryo, at isinusubsob sa paningin ng mundo sa harap ng kanilang telebisyon ang imahe ng isang bansang inferior na nangangailangan ng kanilang presensiya upang makilala.
Ang “Survivor” ay may daloy na pagpunta ng ilang mga simpleng Amerikanng indibidwal na galing sa ibat-ibang propesyon at trabaho sa remote o di sibilisadong lugar upang subukin ang lakas, pag-iisip at determinasyon upang malampasan ang mga pagsubok. Nirerekord ang interakson ng bawat grupo sa ibat-ibang aktibidad na hinaharap sa kanila. Umaabot ng halos 40 ang pagtatagal ng programa. Ang bawat indibidwal ay napupunta sa isa sa dalawang grupo o clan kung saan siya dapat makisama ng mabuti. Bawat episode ay may isang dapat piliin na aalisin sa programa hanggang sa ang matira na lang ay dalawa o tatlo. Sa pagpapasok ng mga tauhang galing sa ibat-ibang propesyon, ipinapapakita ang pagiging superior ng bawat mamayan ng Amerika sa ibang tao ng buong mundo. Hindi man katanggap-tanggap ay ito ang nagiging imahe. Ang isang simpleng mamayan ng Amerika ay nakikipagugnayan sa mga kilalang tao sa isang tribo o pamayanan na tila dinadala ang pangalan ng buong Amerika.
Nakakatawa ang ginagawa nilang mga pagsubok tulad ng pagluluto, mga team works activities, mga larong sinusubok ang pagtitiis ngunit sa bandang huli ay ang maalis ay isang miyembro ayon sa pagtingin ng bawat isa at hindi sa kani-kanyang performance. Kung ang isang miyembro ay ayaw sa panlasa ng nakakarami, siya ay tigbak at maalis sa laro at ipapakita ang mga nakakalungkot na clip na ginawa na bago pa sila sumabak. Lumabas na ang pagiging “survivor” ay nakadepende sa dami ng iyong kapit sa grupo. Para bang nepotismo na kailangan ay kaibigan ka at ayon sa kanilang mga standard na pagtingin ng magaling o kaya ay katangap-tagap sa kanilang sarili.
Sa pagpunta at pananatili nila ay kanilang ipinapakita ang mga lugar na malayo sa sibilisasyon upang idiin ang sinasabi nilang mahirap na pamumuhay upang lalong maipakita ang pagiging adaptive nila kahit ang lugar naman na talaga na iyon ay may modernong sibilisasyon. Dahil sa mga imaheng ipinalalabas ay ganon na rin ang nagiging tingin ng mga tao sa buong mundo. Nilalayo ang palabas sa katotohanan na ang lugar ay halos walang tao o napakahirap pamuhayan. Sa mga imahe ay naipapakita ang kagandahan ng Amerika kahit malayo sila doon. Parang ang mundo ay nasa bakuran lang nila na lugar bakasyunan at pasyalan at ang Amerika ay ideal na lugar at sentro ng pagigig ligtas. Kung kailangan ng tulong ay doon, sa Amerika ang ligtas na lugar upang maging sanktwaryo sa mga panganib. Parang nagmukha ang mga bansang Europeano at Amerikana sa sinasabi ni Roland Tolentino na “mall” kung saan nandoon na ang lahat. Nandoon ang kaligtasaan, mga biolohikal na pangangailanganan na halos lahat ay mayroon na at binibigyang ng diskurso ang mga nasa labas bilang di ligtas, mapanganib at mahirap pamuhayan.
Natututo ang mga survivors na kumain ng mga exotikong pagkain na lalong idinidiin ang pandidiri. Nasusubukan din nila ang pumatay ng hayop na iniiyakan pa ng mga babae kung isinasagawa. Lumabas na ang mga tao sa lugar na iyon na ganon ang pamumuhay ay napaka-animal dahil ang takbo ng pang-araw-araw ay tulad ng mga hayop doon na kailangan laging pumatay. Pamumuhay na napakalayo sa modernong paraan ng mga Amerikano na kung saan ang lahat ay komersyalisasdo at nabibili na di na kailangan ilagay sa taning ang buhay. Hindi man ang mga talagang nakatira doon ang ipinapakita at kinukuhanan ng kamera ay inaakto ng mga tauhan sa survivor ang daloy ng pang-araw-araw na buhay ng mga tao doon na lalong ineexaggerate. Hindi man sila gaanong nakikisalamuha sa mga tao doon ay para na rin nilang inihahain sila sa mundo sa pamamagitan ng mga aksyon nila at reaksyon sa takbo ng buhay doon. Ipinapakita ang kanilang sobrang paghihirap na nakukuha ang awa ng mga manonood sa mga Amerikanong ito at hindi sa mga lokal na tao doon na nasa pamana na nila simula pa ng kanilang kabataan ang ganong pamumuhay. Lalong nagmumukhang inferior ang mga tao doon kahit alam na sila ay naging propesyonal sa pag-adapt sa ganoong lunan. Nagkakaroon ng diskurso sa mga tao doon na mga savage na hindi man naipapakita ng direkta ay napapailalim
sa isipan ng mga manonood. Nagiging takot tuloy sa mga manood ang mapahiwalay sa mga urban na lugar at mapatungo sa isang lugar na inihahain sa kanila ng mga palabas na ito.
Para mabuhay ang mga survivors, kailangan nilang gamitin ang mga natural na bagay na nasa paligid. Ang mga puno at halaman ay kinukuha na parang walang kaubusang yaman, na parang pag-alis nila ay wala ng makikinabang. Ang espiritu o kahalagan ng lugar para sa mga tao doon ay madalas na di naisasaalang-alang.
Sa panonood ay hindi lang kasiyahan sa mga nagaganap na pakikipagsapalaran ang nadarama ng mga manonood kundi kasama na rin ang kasiyahan na makita ang mga katawan ng mga tauhan dahil sa kanilang katayuan sa palabas. Nakikita nila ang mga katawan na nababasa at nasisilip ang ilang mga pribadong parte na lalong nag-aakit sa kanila. Nagdudulot ang palabas ng scopophilia (Laura Mulvey) na sa dahilang ang mga katawang ito ay tinatago-tago sa tunay na buhay. Nagbibigay sa manonood ng pantasya na mapunta sa isang lugar na kakaunti ang tao at nagtutulak na magkaroon ng ganitong pakirandam. Nangangarap at nag-iilusyon na rin ang mga manonood na magkaroon ng pribadong mundo kung saan ay magagawa nila ang kanilang mga pribadong gawain. Ang pagpapakita ng mga senaryong halos walang kasama sa kamera ay nagdudulot ng ganitong pakirandam. Pakirandam ng pagkakaroon ng sariling mundo na malayo sa mga modernong problema na parang napunta sa lugar ni Tom Hanks sa pelikula niyang Cast Away.
Kahit ganito ang nagyayari, na ang mga katawan ng mga tauhan ay naipapakita, binibigyan diin na dapat itago ito sa mga manonood. Ang mga lokal na tao ay ayos lang na makita ang katawan katulad ng mga senaryo sa Afrika. Ipinapakita nito na ang katawan ng mga Amerikano ay hindi lang dapat basta basta masisilayan ng mga manonood lalo na ang mga taga-doon. Kung makikipagsalimuha ang mga tauhan sa mga lokal na tao, dapat sila ang makikitang superior dahil makakasira nga naman sa kanilang imahe ang malampasan ng mga taong nandoon. Halos katulad lang ng mga sinasabi ni Jason Joy na dapat ipakita ang maayos na pakikisalamuha sa mga lokal na tao at itago man kung ano man ang mga tunggalian na lumabas. Sa pagpasok ng mga tauhan na mga Amerikano ay ipapakita ang kanilang pakikikasama sa mga lokal na tao na mabuti ang pakikisama sa kanila. Sa ilan nilang mga pagsubok ay mangangailangan sila ng tulong ng mga tao doon at magiging katulong nila o tagasunod sa kanilang mga plano. Inihahain nila ang pagiging hospitable sa mga taong iyon na nagiging standard na pagtanggap ng isang lokal na tao sa mga Amerikano o Europeano na bumibisita sa kanila.
Nakakarami na ng season ang series na ito sa loob lamang ng halos limang taon. At ngayon ay may Survivor Palau kung saan ang bagong lunan ay sa Pasipiko, sa Micronesia, na dating kolonya ng Amerika. Pagkalipas ng halos labing-isang taon ng sinasabing pagiging malaya ay bumalik ang dating mananakop. Naging pangglobal na ang programang ito dahil sa sakop na nararating ng lakas ng Amerika kahit na nasa liblib silang lugar. Nagdudulot ito ng imperyalistang globalisasyon ng Amerika. Kahit na sinsabing pinalaya na ang Palau ay nandiyan pa rin sa kamay ng Amerika upang isagawa at ipagpatuloy ang kanilang expliotasyon sa dati nilang sakop (Kulturang Popular, Globalisasyon, at Pangkulturang Gawain, Roland Tolentino). Nagagamit ang yaman ng Palau at may mga aktibidad na maapektuhan dahil lang sa programang ito.
Sumikat talaga ang reality based series na ito sa buong mundo at naging pattern sa mga local na palabas tulad ng extra challenge na titira sa mga remote ding lugar sa Pilipinas. Linggo linggo ay inaabangan ang darating na episode at hinihintay ang palabas mula sa Amerika mula sa satellite brodcasting. Naging uso ang mga bandana at mga t-shirt na may tatak na survivor. Lumabas din ang tunay na kulay ng palabas bilang isang kulturang popular. Parang naging comodity na at package entertainment ang nadadala ng palabas na sa isip ng mga manonood ay naitatanim ang kanilang pagiging sibilisado sa kabila ng mahirap na pamumuhay. Naiisp nila na maswerte parin sila dahil sa mga nakikitang mahihirap na pagsubok ng mga tauhan sa survivor. Nadarama nila na nakakaangat sila kahit sa katotohanan naman na may mga crew sa kabila ng camera na nag-aalaga sa mga tauhan. Nagkakaroon ng feeling ang mga manood na dapat ay hindi sila malungkot sa kanilang katayuan dahil kahit papaano ay may naitulong ang nakakaangat sa kanilang kasalukuyang kabuhayan. Madalas na nakakatanggap nito ay yaong may mga sariling telebisyon o mga nasa middle class pataas na antas na indibidwal.
Ngunit saan ba talaga nagmula ang bagong usong genre na ito, kundi sa Amerika. Kung saan ang kamera ay isang normal na bahagi ng pamilya. Napakadaling makuha ng kanilng mga bulsa. Natural na sa kanila ang ipakita ang kanilang pang-araw araw na buhay na sila ang bida sa bawat tagpo. Ngunit ang mga tao sa katulad nating bansa ay hindi lahat nagkakaroon ng ganitong kagamitan upang ipakita ang sariling identidad. Umaasa lang tayo sa mga mayroon at sa perspektibong inihahain sa atin ng mga mas nakakaangat. Marahil ay ito ang dahilan kung bakit mas familiar ang mga tao ng mundo sa buhay ng mga Amerikano kung ikukumpara sa buhay-buhay ng mga tao sa lokal nilang bayan. Mas kilala nila ang mga lugar na pinupuntahan ng mga Amerikano sa kamera kaysa sa mga isla ng sarili nilang bansa ,na madalas ay mga dayuhan pa ang unang nakakaalam.
Ang Amerika na may malakas na kapangyarihan ay may lakas din na sakupin ang mundo sa pamamagitan ng mga imaheng ipinapakita sa mga series. Ang mundo, gaano man kalayo o kahirap puntahan ay nasa kamay nila upang sakupin. Tila ang mundo ay sila ang nag-aari dahil sila na banyaga sa ibang lugar ay mas may kakayahan na puntahan at mabuhay sa mga kapaligiran na napakahirap pakisamahan ng mga lokal na tao sa lupain iyon. Ganito rin talaga ang ipinapakitang tagpo sa mga giyerang pinasukan ng Amerika.
Ang unang bahagi ng dekadang ito ay naging napakahistorikal na panahon sa ating henerasyon. Nagsimula sa pag-atake sa twin towers na isang mahalagang lakas ng Amerika. Dahil sa pangyayari, naging mas mahigpit ang koalisyon ng Amerika sa usapin ng kaligtasan laban sa sinasabi nilang terorismo.
Dumaan ang mga panahon ng pinakanapanood na giyera sa kasaysayan na naging abot sa mismong sala ng bawat tahanan. Lumabas na ang giyera ay para ng Amerika. Parang scripted ang lahat ng detalye at pangyayari na parang isang laro ng buhay. Ngunit, alam ng lahat na totoo ang mga pangyayaring yaon kaya ang mga nakikita nila ay nagbigay sa kanila ng malaking epekto sa pang-araw-araw nilang ginagawa na tila ang nagyayari sa kabilang ibayo ay nagyayari mismo sa labas lang ng pintuan ng kanilang mga tahanan.
Dahil sa takot ng mga mamayan ng Amerika at kasama na rin ang ibang bansa, natanggap na rin nilang ibigay ang kanilang pribadong buhay. Pumayag na silang gamitin ang mga oras nila na dating sa sarili lang para makapagambag sa sinasabing paraan para malabanan ang terorismo. Nasanay ang bawat tao na panoorin at pagmasdan na sinasabing taktika ng pamahalaan para malaman kung sino-sino ang mga kahinahinala na tao na maaring magkalat ng lagim sa lipin ng mga tao sa isang publikong lugar. Naging kalat ang mga surveillance kamera, hindi lang sa Amerika kundi sa Pilipinas at nakaabot na rin sa ating mga lugar pasyalan, laruan at paaralan.
Sa mga pangyayaring ito, ang buhay na ngayon ng lahat ng tao ay reality based na pinapanood na sa buong mundo. Nandiyan ang internet na lalong nagpapadali ng pagmamanipula ng katotohanan. Nabubuhay na tayo ngayon sa panonood ng buhay ng iba. Bagamat ang mga Europeano at Amerika ay nakakapunta sa ibat-ibang lugar, tayong mga walang kakayahan ay umaasa sa mga realidad na inihahain nila sa atin sa kanilang paglalakbay. Ayon sa kanilang pagtingin ,pananaw at pagkakaiba sa kanilang natural na pamumuhay.
Dahil sa mga palabas na ito ay tila ang katotohanan ay nadididkta na lamang sa harap ng kamera, sa ayos at pagkakasunod ng mga kuha at ang mga tunog na nakapagbibigay ng pakirandam ng pakikibaka sa kapaligiran. Ang pribadong mundo na ngayon ay nagiging publiko na ang buhay ng tao ay nailalagay sa isip ng mga manonood na minapula upang ipakita ang nagagawa ng teknolohiya upang mabuhay kahit sa isang napakahirap na sitwasyon.
Ngunit ang natatanging paraan ay kung 1, tatanggapin natin ito bilang isang katotohanan o 0 n a ating pabubulaanan at itatakwil. Lahat ng desisyon at mga nagyayari ay maaring sagutin at ipakita ng mga nag-oposisyong nito. Lalong naididiin ang mga tunggalian bilang kung ano ang totoo at hindi. Sa panahong ito na malabo ng makita ang tunay at peke, ang mahalaga ay masilayan ang naitatagong malaking pagkakaiba ng bawat panig.
Mga Sanggunian
The Imperial Imaginary
Raymond Williams, Advertising: The Magic System
Roland Tolentino, Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi
Roland B. Tolentino, Kulturang Popularc, Globalisasyon at Pangkulturan Gawain.
Bienvenido Lumbera, Popular Culture as Politics