Tuesday, September 20, 2005
Elias: The Ethics of Revolution - Adrian Cristobal
I regret having killed Elias...But I was in such a poor health when I wrote the Noli that I felt I could not go with it and talk of revolution. Otherwise, I would have preserved the life of Elias, a noble character, a patriot, self-sacrificing, truly a man who could lead a revolution.--Jose Rizal, Letters
Sa sanaysay na ito ni Adrian Cristobal inihayag niya ang kahalagahan si Elias, isa sa mga pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Rizal, hindi bilang isang rebolusyunaryo laban sa mga kolonyalistang espanyol kundi bilang tagapagtaguyod ng etika ng isang rebolusyon. Napakahalaga ng etika para sa isang rebolusyon para matahak nito ang tamang landasin ng pakikibaka at maiiwas na maging antagonistiko ang rebolusyon sa mga mamamamayan. Malaki ang potensiyal ni Elias na maging rebolusyunaryo subalit pinatay siya sa katapusan ng nobela.
Si Elias ang kumakatawan sa nakararaming mamamayang biktima ng sakit ng lipunan noon at lipunan ngayon. Isang lipunang pinaghaharian ng mga mapagsamantala sa mas mahina ngunit mas nakararaming mamamayan. Isang lipunan bumibiktima, ngunit sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, impluwensiya at mga batas, ang mga biktimang ito pa ang lumalabas na masama at kriminal. At kapag nag-aklas ang mga biktimang ito, ang estado o lipunan pa ang maykarapatang manupil at pumatay. Isang kongkretong halimbawa ng ganitong panunupil ay ang pagbansag ng reaksiyonaryong pamahalaan sa mga nakikibakang mamamayan sa kanayunan o NPA bilang mga "terorista" dahil sa ginagawa nilang pakikidigma laban sa pamahalaan gayong ang pakikidigmang ginagawa nila ay produkto ng kawalang silbi ng mapanupil na pamahalaan sa pagtataguyod ng kanilang mga batayang karapatan sa lipunan. Nakikidigma ang mga ito para ipaglaban ang kanilang mga batayang karapatan tulad sariling lupang masasaka, mas mataas na sahod sa mga manggagawa, at karapatang mamuhay ng marangal, at sa pag-asang mabago ang lipunan tungo sa isang lipunan walang nagsasamantala. Subalit sa kabila nito, sila pa ang lumalabas na masama at mga kriminal o "terorista".
Mula pa sa mga ninuno ni elias ay dumanas na ng pagmamalupit ang kanilang pamilya. Isa dito ang pagsasamantalang dinanas ng kanyang lolo. Sinubukan niyang maghiganti, ngunit nang malaman niyang apo pala si Ibarra ni Don Pedro Eibarramendia, ang nagsamantala sa kanyang lolo, hindi na niya tinuloy ang planong pagpatay at paghihiganti kay ibarra at ipinasya na lang na umalis at mamuhay ng tahimik sa malayo bilang lunas sa dinaranas niyang paghihirap at pag-usig ng pamahalaan. Subalit sa huli, pagkatapos ng usapan nila ni Don Pablo, ipinasya din niyang sumupurta at sumama kay Crisostomo Ibarra sa pakikipaglaban para sa hustisya
Para kay Elias, ang hustisya at kaliwanagan ng pag-iisip ay matatamo lamang kapag natamo na ang kalayaan. Ayon pa sa kanya, maipagtatagumpay nila ang pakikipaglaban para sa pagbabago kung ang pakikipaglaban nilang ito ay sinusupurtahan ng mga mamamayan. Kinakailangang ang lahat ng mga mamamayan ay sumasangkot sa rebolusyon dahil kung hindi, ang unang madadamay at mahihirapan ay ang mga mahihina at mga inosente.
Bago mamatay ni Elias, ipinanalangin niya ang mga nabuwal sa dilim. Inialay ni Elias ang kanyang buhay bilang kapalit ng buhay ni Ibarra sa pag-asang ipagpapatuloy ng huli ang rebolusyon. Ipinagpatuloy ni Ibarra ang kaniyang plano sa katauhan ni Simoun sa Fili, subalit hindi ang mga nasa plano nila ni Elias. Ang rebolusyong itinataguyod ni Simoun ay hindi na ang rebolusyong naghahangad ng pangkabuoang pagbabago at hustisya kundi isang rebolusyon ng paghihiganti, at naayon sa itinatakda niyang hugis. Para kay Rizal, mas nababagay si Elias na maging lider ng rebolusyon kaysa kay Ibarra/Simoun. At dahil dito, puro kabiguan ang kinahinatnan ng pakikipaglaban ni Simoun.